Saturday, February 28, 2009

isang pag aaral tungkol sa gastos ng pera

1.Kita dito gastos doon

A. Panukalang Pahayag

Ang pagpapatunay na mas malaki ang kita at gastos ng mga magulang sa tuwing araw ng may pasok ang mga bata kaysa sa bakasyon.


B. Introduksyon

Ang kita at gastos ng mga magulang ay malaking batayan para malaman ang estado ng buhay ng isang pamilya sa isang lipunan. Sa kita at gastos rin ng mga magulang nakadepende ang isang pamilya kung paano nila malalampasan ang pang araw-araw na buhay. Hindi maipagkakaila na lahat ng tao dito sa mundo, kabilang na ang mga mananaliksik ay gusto magkaroon ng sariling pamilya. Lahat tayo ay magkakaroon ng pamilya pagdating panahon kaya’t hindi katakataka kung bakit ito ang napiling paksa ng mga mananaliksik. Magsisilbi itong preparasyon para sa kanila kung paano nila pagpaplanuhan ang kanilang pag gastos para sa kanilang kinabukasan.

Ang kita at gastos rin ay may malaking relasyon sa larangan ng komersyo
kaya’t hindi rin katakataka kung bakit ito ang napiling paksa ng mga mananaliksik, dahil ang mga mananaliksik na nagmula sa kolehiyo ng komersyo.

Sa panahon ngayon maraming pamilyang hindi kayang tustusan ang pag-aaral ng kanilang mga anak. Isa sa mga dahilan nito ay ang hindi tamang pagbabudget ng mga magulang sa perang kanilang kinikita.

Sa kasalukuyan ay hindi pa nagkakaroon ng isang siyentipikong pamamaraan ng pananaliksik sa mga kita at gastos ng magulang kapag may pasok at bakasyon. Mayroong kaugnay na paksa na nakita ang mga mananaliksik ngunit ito ay hindi dumaan sa masusing pag-aaral at siyentipikong pamamaraan na dapat ay taglay ng isang pagsasaliksik. Kapansin-pansin doon na tila may puwang sa pagitan ng mga pag-aaral, hindi nabibigyang improtansya ang sentro ng paksa. Kung kaya, nais ng mga mananaliksik na ito na masusing pag-aralan naturang paksa

C.Rebyu / Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakalap mula sa mga blogs sa internet













D. Layunin

Layunin ng mananaliksik na makapag-ambag sa tamang paggastos o pagbudget ng pera ng naaayon sa panahon. Layunin din ng mananaliksik na mabigyan solusyon ang negatibong epekto ng hindi tamang pagpaplano sa paggamit ng pera. Isa din sa layunin ng mga mananaliksik na magbibigay impormasyon sa mga mambabasa kung paano niya gagamitin o gagastusin ang kanilang kita. At makatulong upang maiwasan ang pinansyal na problema ng isang pamilya.




E. Halaga

Ang halaga ng pananaliksik na ito ay mapangasiwaan mabuti ng mga magulang ang perang kanilang kinikita at ginagastos para matugunan kanilang pangangailangan. Halaga rin ng pananaliksik na ito na masubaybayan ang lahat ng kita at mga gastusin ng magulang sa pana-panahon na batayan. Mahalaga rin ang pananaliksik na ito sapagkat hindi lamang ang mga mananaliksik ang magiging mulat sa tamang paggamit ng pera, kung hindi na rin ang mga mambabasa. Nais rin ipaalam ng mga mananaliksik na mayroong aral na nakapaloob sa pananaliksik na ito na maaaring isilid sa maliit na karne na nasa bao ng ulo ng mga Pilipino.



























F. Konseptuwal na Balangkas


































Ang balangkas ng pananaliksik na ito ay nagumpisa sa mga magulang dahil sila ang karaniwang kuimikita sa pamilya at kasunod nito ang pera na kanilang kinikita. Nahahahati ang pera\kita ng mga magulang sa dalawang bahagi, una ay ang gastos kapag may pasok kagaya ng tranportasyon, baon ng mga bata,matrikula at pagkain. Ang ikalawang bahagi ay ang mga gastos kapag walang pasok kagaya ng pag-out of town, paggimik,pamimili sa malls at pagpunta sa mga resorts.








G. Metodolohiya

Upang masinop nang mabuti ang paksa, ang mga mananaliksik ay naghanap ng mga materyales na maaaring magamit o makatulong sa kanilang pananaliksik. Naghanap sila ng iba’t ibang website na may kaugnayan sa kanilang paksa. Nagtala rin sila ng surbey kung saan ay mabibigyang pagkakataon ang mga tao na bumoto at pumili ng sagot na kanilang gusto na may koneksyon sa gastos at kita ng mga magulang tuwing may pasok ang mga bata o bakasyon.

Ang mga mananaliksik ay nagobserba rin na mga magulang na hikahos sa pera at mayaman upang lalong makita kung gaano kalaki ang gastos kapag may pasok ang mga bata.



1.Gaano kalaki ang inyong kinikita kada buwan?

( ) P5000-P10000

( ) P11000-P16000

( ) P17000-P25000

( ) P26000 pataas!

2. Ano ang madalas mong pingkakagstusan kapag may pasok ang mga bata?

( ) Matrikula

( ) Pagkain

( ) Transportasyon

( ) Baon ng mga bata

3. Ano ang madalas mong pingkakagstusan kapag bakasyon ang mga bata?

( ) Pamimili sa Mall

( ) Paggimik

( ) Pag-out of town

( ) Pagpunta sa resort

4. Ano ang mas pipaprayoridad mo bilang isang magulang sa iyong mga anak?

() Kalusugan

() Pagkain

() Pagbonding ng pamilya

() Pag-aaral ng mga bata

5. Para sa inyo ano ang mas magastos?

( ) Araw ng may pasok

( ) Araw ng baksyon



H. Saklaw at Delimitasyon
Ang mga mananaliksik ay nagtakda ng delimitasyon sa pagaaral nito. Ang mga inoobserbahan ay mga magulang na may edad lamang dalawangpu't limang taong gulang (25) hanggang apatnapu't limang (45) taong gulang. Ang mga mananaliksik ay nagtuon lamang din ng pansin saPlaridel at Sta.Maria, Bulacan bilang lugar ng pinagsaliksikan.

Ang pagsasaliksik na ito ay may sakop lamang ng kung gaano kalaki ang gastos at kita nga mga magulang sa tuwing may pasok ang mga bata at bakasyon. Kasama na dito kung ano ang mas magastos sa dalawa kung may pasok ba o wala
ang mga bata.

I. Daloy ng Pag-aaral

Tinatalakay sa unang parte ng pananaliksik ang tungkol sa kinikita at ginagastos ng mga magulang sa panahon lamang na may pasok ang mga bata. Sakop nito kung sapat ba ang kinikita ng magulang sa araw may pasok.
Ang ikalawang parte ng pag-aaral ay tumatalakay sa mga kinikita at ginagastos ng mga magulang sa panahon ng bakasyon. Nasasaad din dito ang laki o liit ng kita at gastos sa araw na bakasyon ang mga bata.
Ang huling parte ng pananaliksik ay nakasentro sa pagkukumpara sa dalawa kung anu nga ba talaga ang mas magastos para sa mga magulang kung may pasok ba ang mga bata o wala. Ipinakikita rito ang kaibahan ng gastos sa pagitan ng panahong may ang mga bata at bakasyon.



II. Big Katawan
A. Small Panimula
Kinikita at ginastos ng mga magulang sa panahon na may pasok ang mga bata. Maraming magulang ngayon ang nagpapakandahirap kumayod para matugonan ang pag-aaral ng kanilang mga anak. Pinipilit nila itong iraos dahil ito ang magbibigay ng maganda kinabukasan sa kanilang mga anak. Magastos magpaaral ngayon ng isang anak lalo na kung ito pa ay kolehiyo, pataas ng pataas ang matrikula kada taon, pataas ng pataas ang mga bilihin, pataas ng pataas ang pasahe. Sobrang daming gastusin ngunit ang kita ay sapat ba?
Kinikita at ginagastos ng mga magulang sa panahon na bakasyon ang mga bata. Sa panahon ngayon, lalo pagbakasyon hindi ay maiiwasan gumastos ng malaki. Dahil ang panahon ng bakasyon ay ang oras para magsama-sama ang bawat miyembro ng pamilya. Panahon ito para magsaya, panahon din para magpunta sa mga beach at mga resort, panahon para kumain sa labas, panahon para mag-out of town, panahon para gumimik.
Aalamin ng mga mananaliksik na ito kung ano ba talaga ang mas dapat paghandaan ng bawat pamilya kung may pasok ba ang mga bata o bakasyon.

B. Small Katawan

1.





2.


3.


4.


5.







III. Big Pangwakas

A. Small Pangwakas

Sa mga nakalap na impormasyon lumalabas na ang kinikita ng mga magulang ay hindi sapat para pagsabayin ang gastos sa panahong may pasok ang mga bata at bakasyon. Nasasaad din dito na mas uunahin nila ang mga mas importante bagay kagaya ng pagkain, matrikula ng mga bata, kalusugan kaysa sa pagpunta sa mga mall, paggimik, paliligo sa mga resort. Base rin sa mga naipong mga datos mas pinaprayodad nila ang mga gastusin sa panahon na may pasok ang mga bata sapagkat mas importanteng matugunan ito para sa mas maganda nilang kinabukasan. Isinasantabi muna nila ang kanilang luho para mas magandang ikauunlad ng kanilang pamilya

Bagamat ganito nasa isip ng karamihan may maliit pa rin bahagi ang nagsasabing bibigyan pa rin nila ang panahon ang kanilang mga luho dahil ito ang makapagpapasaya sa kanilang mga pamilya.





B. Konklusyon

Sa pamamagitan ng mga nakalap na impormasyon napag-alaman ng mga mananaliksik na mas napapagastos ang mga magulang sa panahon na may pasok ang mga bata. Natuklasan ng mga mananaliksik na mas nagiging praktikal ang mga magulang sa mga panahong ito dahil mas inuuna nila ang mga mas importang bagay kaysa sa pagpapasarap. Alam nila mas dapat bigyan atensyon ang mga gastusin sa panahon na may pasok ang mga bata dahil ito ang mas makakabuti sa kanilang pamilya.

Napag-alaman din ng mga mananaliksik na talagang sa mga panahon ngayon, Pag-aaral lang ang kayang ipamana ng mga magulang sa kanilang mga anak. Pinipilit nila itong iraos kahit sila ay hirap na hirap na. Sinasabe nila na ito ang kayamanang hindi mananakaw sa mga anak nila.

Natuklasan din ng mga mananaliksik na sang-ayon ang resulta kanilang panukalang pahayag. Mas marami gastusin sa panahong may pasok ang mga bata sapagkat ang mga gastusin sa panahong ito ang mas pinag-uukulan nila ng pansin nga magulang.








C. Rekomendasyon

Ang pananaliksik na ito ay mas maaari pang mapagbuti kung mas lalakawan pagsasaliksikan na lugar dahil mas mabibigyan nila ng mas tamang tugon ang mga katanungan ng mananaliksik. Mungkahi rin ng mga mananaliksik na gumawa pa ng pag-aaral ukol sa paksa na ito upang mapaghambing kung ano pa ang mga bagay na kulang sa pag-aaral na ito.

Mungkahi rin ng mga mananaliksik sa mga magulang na makakabasa ng
pag-aral na ito na magplano sila ng mabuti kung paano nila babudgetin ang perang kanilang kinikita.




Acknowledgement

Buong pusong inihahandog ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sa kanilang Propesor na si Bb. Beverly Siy, sa kanilang mga magulang, sa kanilang mga kaibigan, sa mga sumuporta, sa mga mambabasa at sa Unibersidad ng Santo Tomas

13 comments:

  1. sinung author. nkakainis di ko malagay ang citation at wlang author.. plsss answer my question

    ReplyDelete
  2. sinung author. nkakainis di ko malagay ang citation at wlang author.. plsss answer my question

    ReplyDelete
  3. Replies
    1. TAMA PRANG TANGA HAHAHAHAHA ANO KALI YUNG SMALL KATAWAN

      Delete
  4. Magandang mabasa ito ng mga tao na di marunong gumamit ng pera at sa mga kunti lang income.

    NegosyongPinoy.info

    ReplyDelete
  5. mahusay na pag-aaral kailangan to nang bawat pamilya .sana kumalat! Sakit.info

    ReplyDelete
  6. Lucky 15 Casino | Bonus & Facts on Sign Up - Online
    Lucky 15 casino is a sports betting platform. 썬시티 The site is designed to provide new players with 라이브채팅 a 게임 사 chance 축구 토토 to try a few 벳 페어 games and enjoy casino games like blackjack,

    ReplyDelete
  7. Casino Review & Bonus | JTHub
    Our 원주 출장샵 review of our Casino - a place where you can win big and play with the best 수원 출장샵 bonuses from 순천 출장안마 Our casino review of 오산 출장안마 the 사천 출장안마 casino. Casino type: New player

    ReplyDelete